Kabanata 426 Hindi Nakapasok ng Sasakyan si Yvonne
Isinara ni Jacqueline ang pinto ng nakangiti habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya si Yvonne.
"Magmaneho ka na!" Sinipa ni Jacqueline ang likod ng driver's seat.
Pinagpapawisan ang noo ng driver. "Pero madam..."
"Kusa siyang nahulog," sabi ni Jacqueline habang nakakurba ang mga labi.
Kumapit ang driver sa manibela. "Malinaw na ikaw ang may gawa non..."
"Tumahimik ka. Kakasabi ko lang sayo na kusa siyang nahulog. Kung hindi mo paandarin ang sasakyan ngayon, lalamunin tayo ng apoy." Lumapit si Jacqueline at bumulong sa tenga ng driver habang sinusulyapan si Yvonne na patuloy na kumakatok sa pinto.
Nanginginig ang driver ngunit nanaig sa kanyang konsensiya ang kagustuhan niyang mabuhay kaya't nagngangalit ang kanyang mga ngipin at tinapakan ang accelerator.
Umandar ang sasakyan at umalis sa mapanganib na lugar na iyon.
Sa highway, binuksan ni Jacqueline ang bintana ng kotse at ibinaling ang kanyang ulo upang tumingin sa likod. Nang makita niya ang malaking sunog na

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.