Kabanata 73 Turuan Mo Ako Mag-Ski
“Okay lang talaga ako.” Agad na itinago ni Yvonne ang mga gamot at tumayo mula sa kama. “Tara na, hindi pa ba tayo maghahapunan?”
“Oo nga pala, muntik ko malimutan. Tara!” Kinuha ni Lynette ang kanyang bag;
Nakahanap ng mauupuan si Yvonne sa hotel lobby, lumingon-lingon siya para tingnan ang paligid, sinusubukan niyang hanapin kung saan nakaupo si Henry.
Subalit, nadismaya siya nang makitang wala doon ang lalaki.
“Anong hinahanap mo? Parang manibela ‘yung ulo mo sa pag-ikot,” Naglagay si Lynette ng isda sa plato ni Yvonne.
Tumingin si Yvonne sa kanyang kaibigan, “Hinahanap ko si Mr. Lancaster!”
Biglang nanginig ang kamay ni Lynette, “Ano? Bakit mo siya hinahanap?”
Noon lang napagtanto ni Yvonne na nasabi niya ang dapat ay nasa isip lang niya. Kinagat niya ang kanyang labi at makikita ang pagkataranta sa mukha niya, “Ah.. eh.. gusto ko lang sana siyang pasalamatan dahil grabe ang nagawa niya para sa akin ngayong araw.”
“Sabagay,” tumango si Lynette nang walang halong

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.