Kabanata 72
Nainit ang ulo ni Queenie sa mga sinabi sa kaniya ni Hera.
“Palabasin niyo nga ang kaladkaring babae na ito rito,” Tawag ni Queenie sa isang maid habang dali daling lumalapit sa kanila si James.
“Kumalma po kayo Mrs. Gaskell. Ako na po ang bahala rito.”
Ayaw ni James na mapaalis si Hera sa tahanan ng mga Gaskell sa harap ng maraming mga mayayaman dahil masisira nito ang reputasyon ng kaniyang pamilya.
“Hindi ka na talaga nahiya, Hera! Sino ang nagpapunta sa iyo rito?” Puwersahang dinala ni James si Hera sa bakuran.
Alam niya na isang malaking sakit sa ulo si Hera kaya hindi niya ito isinama sa banquet pero nagawa pa rin nitong magpunta rito.
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Hera nang ituro niya ang isang daan. “Mayroong daan sa likod ng bahay ng mga Gaskell. Umalis ka na rito ngayundin!”
Dito na siya tumalikod para bumalik sa banquet hall.
Bahagya namang natawa si Hera kay James habang nananatiling malamig ang kaniyang mga tingin. Wala pa siyang ginagawa pero galit na gal

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.