Kabanata 75
“Zee, hayaan na lang siguro natin ito. Nahanap naman na rin natin ang bracelet kaya hindi na natin kailangan pang gumawa ng komosyon.” Hikayat ni Giselle kay Zyler.
Siguradong masisira ang kaniyang reputasyon sa sandaling makita ng lahat ang surveillance footage. Ito na ang katapusan niya!
“Gigi, masyado ka nang mabait. Huwag kang magalala dahil hindi ko na hahayaang apihin ka pa niya ulit.” Siguro ni Zyler kay Giselle.
Dali daling kinuha ng butler ang surveillance footage bago nito iplay ang video gamit ang isang projector. Hindi lang video ang nakuha sa footage dahil narecord din nito ang ingay sa paligid.
Ipinakita sa footage na agresibong hinihila ni Giselle si Catherine papunta sa bakuran bago nito banggitin ang itinatagong mga lihim ng pamilya Everett.
Si Hera ba talaga ang tunay na kadugo ng pamilya Everett? Pero inanunsyo ng mga ito na inampon lang nila si Hera!
Aksidenteng nahulog ang diamond bracelet habang nagtatalo ang dalawa na siyang sumabit sa canvas bag ni Catheri

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.