Kabanata 18
Napatingin si Bonnie sa babaeng nakasuot ng damit pang-madre.
Nanay ba siya ni Ivor? Naging madre na ba siya?
“Wala akong pakialam kung sino ka, Bonnie, pero kailangan mong iwan si Ivor. Mas mabuti pang lisanin mo na ang lugar na ito at huwag na huwag kang tatapak sa Pyralis!” malamig na sabi ni Maisie.
Hindi natatakot, sinabi ni Bonnie, “Sumasang-ayon ako sa’yo. Nakakaloka ‘to. Wala kaming nararamdaman ni Ivor para sa isa’t-isa, at ayaw kong pakasalan siya. Pero may utang ako kay Sigmund, dahil iniligtas niya ako at ang mga magulang ko. Kung gusto mong ihinto ang engagement, kailangan mo siyang kausapin. At kung gusto mo namang umalis ako ng Pyralis, galingan mong mamilit.”
“Hah! Sinasabi mong ayaw mong pakasalan ang anak ko? Sumumpa ka sa buhay ng nanay mo!” Sinamaan ng tingin ni Maisie si Bonnie.
“Hindi lahat gustong pakasalan ang anak mo, okay?” Nainis si Bonnie. “At bakit ako susumpa sa buhay ng nanay ko?”
Napatingin siya kay Ivor.
“Kung kailangan mo ng pruweba, ayos lang naman na

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.