Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 68

Iniangat nang kaunti ni Bonnie ang palda ng kanyang dress at matikas na naglakad pababa ng hagdan. Mukhang napakaganda niya, tulad ng isang anghel na bumaba mula sa langit o isang diwata na lumabas mula sa natatanging painting. “H-Hindi ba ‘yan yung pinakamagandang gawa ni Hamish?” Nauutal na sabi ni Floyd nang mamukhaan niya ang damit. Bumalik sa katinuan si Ivor at tumingin sa damit. Hindi ba ito ang damit na inaasam niyang makuha? Tumayo si Bonnie sa harap nila. “Oo. Tama ka. Ito ang pinakamagandang dress ni Hamish.” Kumunot ang noo ni Ivor. “Paano mo nakuha?” “Nakuha ko dahil kaya ko,” totoong sabi ni Bonnie. “Narinig kong pinareserba ‘yan ng chairman ng Tang Fusion Studios.” Patuloy ang pagkunot ng noo ni Ivor at tinitigan siya. Pagkatapos ng sandaling paghinto, walang pakialam na sinabi ni Bonnie, “Ibinigay ‘to sa akin ng chairman ng Tang Fusion Studios bilang regalo.” “Bakit ka niya binigyan ng ganiyang kamahal na dress? Paano mo nakilala ang chairman? Anong relasyon mo sa kanya

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.