Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1030

Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Tila nawawalan na siya ng pagasa. Kung hindi niya kayang kumbinsihin si Robert na patunayan na peke ang diagnosis ni Fiona, hindi niya mapapabagsak si Fiona. Hindi niya maipapakita ang tunay na kulay ni Fiona kay Joshua Ibig sabihin ay hindi niya mapapalabas sa pagtatago si Aura. Hindi niya rin mapapabalik sa kanya sina Neil at Theo. Kahit na naimbestigahan nila ni Christian ang pinaka nakakatakot na mga sikreto ni Robert, sa mga sandaling ito, mukhang masasayang ang lahat ng ginawa nila. Magkakampi sina Robert at Fiona. Mula sa simula pa lang, wala na silang pag asa. Hindi niya ito magawan ng solusyon. Nang makita na nawawalan na ng liwanag ang mga mata ni Luna, mayabang na tumawa si Robert. Tumayo siya at tinabi ang kanyang folder. “Nabalitaan ko na mahigpit ang mental hospital ng Banyan City. Walang may kayang tumakas dito. Ms. Luna, sana ay kayanin mo.” Pagkatapos, binuksan ni Robert ang pinto at umalis na siya. Nakahiga sa kama si Luna, m

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.