Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1032

Habang nagsasalita siya, pinupunasan niya pa ang mga luha niya. “Kung alam ko lang na nasa ganitong kondisyon si Ms. Luna, hindi na dapat ako nakipagtalo sa kanya sa mga bagay…” Napangisi si Luna. Sa harap niya, lumiit ng lumiit ang imahe nila Fiona at Joshua, ngunit maririnig niya pa rin ang mapagpanggap na boses ni Fiona. Nasusuka siya dito. … Dinala si Luna sa mental hospital. Ang lahat ng staff member ay mabait sa kanya, ang lalaking nagdala sa kanya doon ay personal pang ginamot ang sugat niya. Tumingin si Luna sa lalaki habang nakayuko ito, nakapokus sa paglagay ng gamot sa sugat ni Luna, kumunot ang noo ni Luna. “Pwede mo bang tanggalin ang pagkakatali ko?” Mga lima o anim na oras nang nakatali ang mga braso niya, namumula na ang parte ng balat niya na nakadikit sa tali, ang bawat galaw ay nagdala ng matinding sakit. Ngunit ngumiti ng malamig ang lalaki. “Hindi ko pwedeng gawin ‘yun. Kapag tinanggal ko ang tali mo, magkakaroon ng problema mamaya sa treatment mo.” Huminto

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.