Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1131

“Joshua!” Hindi mapigilan ni Luna na sumigaw! Paano nangyari ito? Dumiin ang ngipin niya at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo habang nanginginig ang kanyang mga kamay, inialabas niya ang phone niya para tumawag ng emergency number. “Dalian niyo! May taong sinaksak sa beach! Masy saksak siya!” Uminit at basa ang mga mata niya dahil sa pagdurugo ni Joshua. Sa sobrang taranta niya ay hindi siya makapagsalita ng klaro. “S-Sa b-beach, ma… makikita niyo kapag dumating kayo. P-pakiusap, m-magmadali kayo, pakiusap…” Tumigil ng ilang saglit ang operator sa kabilang linya. “Sa beach? May lalaking tumawag ng emergency kaninang sampung minuto na ang nakalipas. Halos parating na ang ambulansya namin. Maghintay muna po kayo.” Nabigla si Luna. 10 minuto kanina… Isang minuto pa lang siguro noong sinaksak si Joshua! Hindi na ito masyadong iniisip ni Luna. Agad niyang binaba ang phone call at sinubukan niyang pigilan ang pagdudugo gamit ang dalawang kamay niya. “Joshua, kumapit ka lang!”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.