Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1142

“Balak mo ba na pumunta sa Blue Bay Villa? Mabuti pala. Ngayon at gising ka ako, ayaw ko na rin manatili sa hospital. Gusto kong bumalik sa Blue Bay Villa.” Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Adrian dahil sa mga sinabi ni Joshua. Alam ni Joshua ang tungkol sa nangyari sa Blue Bay Villa. Ibig sabihin… narinig niya bawat salita na sinabi ni Adrian kay Luna kanina. Sumingkit ang mga mata ni Adrian at sinabi niya ng mahina. “Joshua, sa tingin ko ay dapat kang manatili sa hospital para magpahinga. Bakit parang balisa kang umuwi…” “Kapatid ko pa rin ang ibang anak mo. Hindi ko pa siya nakikita dati. Dapat akong umuwi para makilala siya.” Pagkatapos, lumingon si Joshua at tumingin siya sa doctor na gumagawa ng check up sa kanya. “Doctor, kamusta po? Pwede na ba akong umuwi?” Tumango ang doctor. “Noong wala kang malay sa mga nakalipas na araw, gumaling na ng mabuti ang katawan mo. Ngayon at gumising ka na, medyo mahina lang ang katawan mo. Mag ingat ka lang at wag ka masyadong gumalaw

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.