Kabanata 1399
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito.
Tumingin siya sa unang palapag, kung saan nakaupo si Joshua.
Walang laman ang upuan ni Joshua, at si Heather lang ang nanatili.
Walang masabi si Luna dahil dito.
Ngumiti si Luna at lumapit siya kay Malcolm, minasahe niya ang balikat nito habang sinagot niya, “Akala mo ay pinuntahan ko si Joshua dahil lang nakita mo na walang laman ang upuan niya at amoy sigarilyo ako?”
Sumingkit ang mga mata ni Malcolm at sinabi niya ng may malamig at masamang tono, “Hindi ba ganun ang nangyari?”
Alam ni Luna na hindi natutuwa si Malcolm dahil dito. Tinikom niya ang mga labi niya at sinagot niya, “Hindi. Nakipagkita lang ako sa kaibigan ko kanina.”
“Lalaki o babae?”
“Syempre babaeng kaibigan.”
“Paano ka naman magkakaroon ng babaeng kaibigan sa Merchant City na naninigarilyo?”
Tumigil si Luna. “Hindi siya… mula rito.”
“Kung hindi siya mula sa Merchant City, bakit pala siya imbitado sa engagement party ko?” Hinawakan ni Malcol

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.