Kabanata 1541
“Ang rason kung bakit nandito ako sa Landry Mansion ng ganito kaaga ay para hanapin si Luna, syempre,” Ang sagot ni Malcolm kahit na nakatanggap siya ng mahirap na tanong mula kay Jim. “Hindi maganda ang pakiramdam ko nitong nakaraan, at natuklasan ko lang ang tungkol sa nangyari kay Mrs. Landry nitong umaga.”
Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Luna. “Naging malapit si Luna kay Mrs. Landry simula nang bumalik siya sa pamilya Landry, at ngayon at may nangyaring masama kay Mrs. Landry… Nag aalala ako na malungkot si Luna, kaya’t pumunta ako dito para tingnan siya.”
Biglang nagbago ang tono niya nang tumingin siya kela Luna at Jim. “Pero, pagdating ko, napagtanto ko na wala si Luna. Naisip ko na buong gabi siyang nasa hospital, kaya’t tinawag ko ang katulong ko para sunduin ako.”
Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at tumingin siya ng hindi natutuwa kay Jim. “Ganun ang nangyari. May iba ka pa bang tanong, Master Landry?”
Ngumisi si Jim. “‘Yun ba talaga ang nangyari?”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.