Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1682

Kabadong nagkatinginan sina Malcolm at Heather. Nilagay nga talaga ang mga wedding gifts sa hall entrance, at may higit sa daan daang libong dolyar siguro ang halaga nito, kaya’t paano nila ito bibigay sa mga lalaking ito ng basta basta? Gayunpaman, kahit na ayaw nila na pumayag dito, wala silang magawa kundi lunukin ang inis nila. Kung sabagay, nakasalalay ang Quinn Group kay Charles para iligtas sila! Masama ang loob nila Malcolm at Heather habang pinanood nilang umalis ang mga lalaki kasama ang mga wedding gift na dapat ay sa kanila. Pagkatapos umalis ng mga lalaking ito, inutos ni Malcolm sa mga gwardya na isara ang mga pinto sa likod nila. Nang masara na ang pinto, huminga ng malalim si Charles. “Sige, ngayon at wala nang mga tao na hindi imbitado sa kwarto na ito, gusto kong iannounce ang pinakabagong desisyon ko—” Sa entablado, humigpit ang mga kamao ni Heather. Kahit na napahiya siya sa mga nangyari… Lumingon siya at tumingin siya kay Luna habang nakangisi.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.