Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1834

“Alam mo na ba noon na may ganung klaseng gamot sa warehouse ang nanay mo?” Umiling ng mabilis si Luna. “Hindi ko alam…” Noong araw na ‘yun, dinala niya si Charlotte sa warehouse ng mga gamot, inutusan ni Luna ang butler na tanungin si Mickey kung may nakakamatay na gamot o lason sa warehouse. Sa mga oras na ‘yun, klaro ang sagot ng butler; ang sinabi ni Mickey na ang pinaka mapanganib na gamot sa loob ng warehouse ay ang gamot na ginawa ni Rosalyn para kay Charles. Para naman sa iba, hindi ito makakabanta sa buhay ng kahit sino, at least hindi ayon sa mga record ni Mickey. Nag aalala pa rin si Luna kahit na narinig niya ito, at sinabi niya pa sa butler na dalhin siya sa kwarto ni Mickey, kung saan sumilip siya sa record book ng mga gamot. Sa huli, pagkatapos masigurado na ang pinaka mapanganib na gamot sa warehouse ay kaya lang magbigay ng pantal sa katawan nila at hindi pumatay ng isang tao, sumuko na si Luna at dinala niya na si Charlotte sa warehouse. Sa mga oras na ‘

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.