Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2074

Nang bumalik sina Joshua at Luna, pinapatulog ni Bonnie si Shelly. Nang makita ni Bonnie na bumalik na sila, agad siyang lumapit sa kanila at tinanong niya, “Anong nangyari?” Nagbuntong hininga si Luna at pinaliwanag niya kay Bonnie ang lahat ng nangyari. Hindi mapigilan na sabihin ni Bonnie habang nakasandal siya sofa, karga niya pa rin si Shelly, “Sana ay ayos lang si Roanne…” Kahit na tinulungan ni Roanne si Charlotte na gumawa ng masama sa mga nakalipas na taon, hindi nararapat sa kanya na mamatay. Tinikom ni Luna ang mga labi niya nang marinig niya ito, ngunit hindi siya sumagot. Biglang nagring ang phone ni Joshua. Napuno ng tuwa ang mga mata ni Joshua nang makita niya ang number sa screen. Naramdaman ni Luna ang pagkasabik sa buong katauhan ni Joshua, kaya’t tumingin din siya sa screen. Ito ay isang number na walang caller ID. Hindi pamilyar si Luna sa number na ito, kaya’t hindi niya alam kung sino ito. Ngumiti siya at sinabi niya kay Luna, “Sandali lang.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.