Kabanata 2136
Tumitig ng nalilito si Bonnie sa lalaking nakaluhod sa harap niya.
Ang mga mata ni Sean ay puno ng katapatan, na para bang ang bawat salita na lumabas sa bibig niya ay maingat niyang pinag isipan ng mabuti.
Baka walang ibang mararamdaman ang ibang babae kundi kaligayahan kapag may isang bata, gwapo, at responsableng lalaki na magsasabi sa kanila ng ganito, ngunit sa sandaling ito, ang nararamdaman lang ni Bonnie ay konsensya, at takot.
Nakokonsensya siya dahil alam niya na hindi niya dapat dinamay si Sean sa drama sa pagitan nila ni Jim, at hindi dapat siya nagbigay ng maling impresyon kay Sean.
Kahit na gaano kaganda ang pagtrato ni Sean sa kanya, alam niya na hindi siya mahuhulog para sa ibang tao maliban kay Jim.
Sa huli, natakot siya.
Natatakot siya na hindi na makakamove on si Sean mula sa kanya.
Kapag nangyari ‘yun, dadagdag lang ito sa konsensya at pagsisisi niya.
“Bonnie.” Ngumiti ng mapait si Sean nang makita niya na nakatitig sa kanya ng tahimik si Bonnie. “Ay

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.