Kabanata 2140
Tumigas ang buong katawan ni Christopher nang marinig niya ang sagot ni Bonnie.
Tumitig siya kay Bonnie, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Hindi ba’t gusto mo na maalala ka ni Jim? Bakit…”
“Nagbago na ang isip ko.” Ngumisi si Bonnie. “Hindi na mahalaga kung naaalala niya ako o hindi; hindi magbabago ang kalalabasan. Kaya’t ‘wag ka nang mag aksaya ng lakas o oras.”
Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya, “Tanggap ko na ang paghingi mo ng tawad, Christopher. Dahil hindi ka pa gumagaling ng tuluyan sa sakit mo, dapat kang magpokus sa pagpapahinga mo kaysa sa pag aalala mo sa amin ni Jim.”
“Kapag… Kapag maayos na ang kondisyon mo, dadalhin ko na si June sa tabi mo. Tutal, tatay at guardian ka niya, kaya’t dapat hindi siya magtagal sa tabi ko.”
Bukod pa dito, ang sanggol sa tiyan niya ay isisilang din, at hindi lang niya ibabalik si June kay Christopher, susubukan niya ring hanapin ang mga magulang ni Shelly.
Sa tingin ni Bonnie ay wala siyang kakayahan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.