Kabanata 2322
Pagkatapos ng agahan…
“Sinasabi mo ba na ang nanay ko ay walang ideya noong nilason si Granny Lynch?”
Nabigla si Luna sa punto na hindi niya masara ang bibig niya nang sabihin ni Joshua sa kanya ang lahat ng impormasyon na sinend ni Jim. Tumingin siya ng gulat kay Joshua, nanginginig ang boses niya habang sinabi niya, “Kaya… Noong sinabi ni nanay na hindi niya alam na nalason si Granny Lynch, hindi niya ito sinabi dahil natatakot siya na masira ang relasyon natin?”
Nang makita niya na gulat si Luna, hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti. “Akala ko ay sinasadya niyang hindi banggitin ito dahil ayaw niyang maapektuhan ang relasyon natin.” Tumingin sa taas si Joshua. “Pero, kung iisipin natin, sa tingin ko ay hindi siya ganun kabait. Dahil kaya niyang sabihin ng tapat kay Jim ang tungkol sa tunay na nanay ni Jim noong nagtanong si Jim, sa tingin ko ay isa siyang tao na ayaw magsinungaling.”
Tahimik na tumango si Luna. “Tama ka. Ayaw ni nanay na magsinungaling, lalo na sa mga bata.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.