Kabanata 2326
Baka hindi maintindihan ni Gwen ang ibig sabihin ni Luke, ngunit alam ni Joshua kung ano ang tinutukoy ni Luke.
Kumunot ang noo ni Joshua habang tumingin siya sa ekspresyon ni Luke. “Ang isang malusog na katawan ay hindi rason para gawin mo ang kahit anong gusto mo.”
Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Gwen. “Tama ba?”
Sa sobrang pokus ni Gwen sa ekspresyon ni Luna ay hindi niya narinig ang pag uusap nila Joshua at Luke. Kaya naman, sumagot siya pagkatapos siyang tanungin, “O—Oo.”
Bumulong si Gwen sa tainga ni Luke, sa sobrang hina ay siya lang ang nakarinig nito, “Ano ang pinag uusapan niyo kanina?” Namula ang mga pisngi niya na parang hinog na peach.
Nahirapan si Luke na pigilan ang sarili niya na kagatin ang pisngi ni Gwen. Niyakap niya na sana si Gwen at hinalikan niya na sana ito hanggang sa wala na silang hininga, kung hindi lang sila nasa bahay ni Joshua ngayon.
Ngunit, nandito sila.
Ngumiti si Luke at kinurot niya ng malambing ang pisngi ni Gwen. Mahal niya si Gwen

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.