Kabanata 2653
Pagkatapos nila umorder ng pagkain, nagkwentuhan sina Luna at Yannie bago nila napansin na tila may hinahanap si Gwen.
“Anong problema?” Ang tanong ni Luna habang nakakunot ang noo.
“Nawawala ang pendant ko.” Nilagay niya ang keychain niya sa mesa para ipakita kay Luna na walang pendant na nakakabit dito. “Binili ito ni Luke sa akin noon pumunta kami sa simbahan sa Merchant City. Hindi ko alam kung saan ko ito nawala.”
Hinalukay niya ang bawat bulsa sa damit niya at muli niyang kinalkal ang bag niya, kumunot ng mahigpit ang noo niya. “Hindi ko ito mahanap.”
Wala nang ganang kumain si Luna, ngayon at nakita niya na balisa at natataranta si Gwen. Alam niya na mahalaga ang pendant kay Gwen dahil ito ay isang regalo mula sa pumanaw na si Luke, at isa itong regalo na hindi mapapalitan.
Tinulungan din ni Yannie si Gwen para hanapin ito. Hinanap ng tatlong babae ang buong restaurant, ngunit hindi nila ito mahanap.
Sa mga oras na ‘yun, ihinain na ang pagkain nila. Nagbuntong hining

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.