Kabanata 2671
Buong hapon niyang hawak ang metal plate sa mga kamay niya, nakatitig siya dito.
Naging busy ang The Spring Resort ng gabi, at sa huli, nasira ang katahimikan ng pagiging mag isa ni Gwen, kaya wala siyang magawa kundi umalis.
Habang naglalakad siya sa kalsada at dumaan ang hangin sa kanya, hindi niya mapigilan na maalala si Luke. Hindi lang ‘yun, hindi niya rin mapigilan na maalala ang lahat ng mga tao na tumulong sa kanya maghanap ng pendant.
Si Luna, Yannie, at Thomas…
PInahalagahan siya ng mga ito…
Pumikit si Gwen, may mahinang ngiti sa kanyang mukha habang naglalakad siya sa niyebe.
Alam niya na nagbibigay siya ng problema sa lahat ng tao sa paligid niya simula noong pumanaw si Luke,
Siya ang rason kung bakit namatay si Luke, kaya naman, siya lang ang nararapat sa mga masasamang bagay. Gayunpaman, sunod sunod niyang inabala ang ibang mga tao simula nang gumising siya sa kanyang surgery.
Hindi lang sina Luna at Joshua, pati na rin sina Bonnie, Jim, Yannie, at Thomas.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.