Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2742

Base dito, tinatanong ni Joshua sina Luna at Gwen, ngunit ang totoo ay ang tanong na ito ay para kay Gwen lang. Walang problema si Luna sa pagharap kay Steven; hindi sigurado si Gwen dito. Nakita ng lahat kung anong klase ng mga kalokohan ang ginawa ni Gwen dahil kay Luke. Medyo nag aalala si Joshua para hayaan si Gwen na harapin ulit si Steven. “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.” Syempre, alam ni Gwen kung bakit nag aalala si Joshua. Ngumiti siya. “Ayos na ako.” Kahit na hindi siya nakakasiguro na magiging matatag ang mga emosyon niya kapag nakita niya si Steven, pagkatapos ng buong umaga ng pagpapayo nila Luna at Rachel sa kanya, mas naging klaro na ang isip niya. “Mabuti.” Tumango si Joshua at tumingin ulit siya sa asawa niya. “Alagaan mo si Gwen. At…” Huminto siya. “Tandaan mo na tawagan mo ako kapag may nangyari. Kung hindi mo ako kayang tawagan, pwede mo ring tawagan si Nigel o si Neil.” Hindi agad sumagot si Luna. Tumahimik siya ng ilang sandali bago siya tumango.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.