Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2767

Nang lumabas si Thomas ng ward, hindi na matagpuan si Joshua. Si Yannie lang ang nakaupo ng tahimik sa upuan habang naglalaro ng phone. Kumunot ang noo ni Thomas. “Nasaan si Joshua?” Tinikom ni Yannie ang labi niya at sinabi niya, “Sinabi niya na may gagawin pa siya, kaya umalis na siya.” Pagkatapos ay itinabi niya ang phone niya at tumayo siya, tumitig siya kay Thomas. “Kamusta ang pakikipag usap mo sa tatay mo?” “Ayos lang.” Nagbuntong hininga si Thomas. “Ihahatid muna kita pauwi.” Sa mga oras na ito, hindi niya alam kung ano ang balak ni Senior Howard sa biglang pagbabago ng mood at pag iisip nito. Nagdesisyon na ba talaga ang matandang lalaki na ito na ipasa ang pamilya sa kanya at palayasin sina Tina at ang anak nito ng pamamahay nila… o balak lang ng matanda na pagaanin ang loob niya habang may pinaplano ito? Hindi niya alam. Ang pwede niya lang gawin ay tanggapin itong unti unti. Walang ibang sinabi si Yannie habang nakatingin siya kay Thomas na malalim ang iniisip

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.