Kabanata 2905
“Lalapit ako para makinig sa pag uusap nila.” Kumindat si Anne kay Luna. “Kung ang babaeng ito ay may kinalaman kay Fiona at nandito siya para maghiganti sa inyo ni Joshua, siguradong makikilala ka niya, pero para naman sa akin…”
Nagpatuloy siya ng may masayang tingin. “Kahit na best friends tayong dalawa, kami ni John ay masyadong malayo sa mundo niyo ni Joshua, at minsan lang kami lumabas sa publiko na magkasama. Kahit si Fiona ay hindi malalaman ang tungkol sa pagkakaibigan natin, kaya hindi ito malalaman ng babaeng ‘yun. Mas mabuti kung ako ang makinig sa halip na ikaw!”
Pagkatapos, ibinaba niya ang tasa, nagpanggap siya na kailangan niya pumunta sa banyo, at sinasadya niyang lagpasan ang mesa nila Jacqueline at James.
Tama siya; hindi siya naaalala ni Jacqueline. Nang lumagpas siya sa mesa, ang tingin ni Jacqueline ay hindi nagbago at nagpatuloy ito sa pakikipag usap kay James.
Hindi nagtagal, tumunog ang phone ni Luna dahil sa mga message ni Anne, na sinend niya mula sa banyo

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.