Kabanata 2943
“Huli na ang lahat.”
Sa oras na matapos si Luna, tumawa na parang baliw si Jacqueline. “Ikaw ang kidnapin ko? Mababaliw si Joshua kung ginawa ko ‘yun. Walang bagay na hindi niya gagawin kapag nabaliw siya.”
Lumala ang baliw na tingin sa mga mata niya habang nakatingin ng masama kay Luna. “Pero hindi ito pareho kapag kinidnap ko si Anne. Para sayo, isang kaibigan lang si Anne. Wala siyang halaga para kay Joshua. Ang asawa ni Anne, si John Young, ay hindi bigatin. Wala siyang magagawang masama sa akin.”
Pagkatapos ay tumaas ang kilay niya kay Luna. “Pero, pwede kitang bigyan ng pagkakataon. Subukan mong hulaan kung ano ang layunin ko sa pagkidnap kay Anne.”
Si Jacqueline ay isang baliw na tao. Paano magagawa ng isang normal na tao na takutin ang ibang tao sa pagkidnap sa kaibigan nito? Gayunpaman, walang magagawa si Luna kundi ang sumunod sa kagustuhan ni Jacqueline na makipag hulaan, kahit na alam ni Luna na isang baliw si Jacqueline.
‘Nasa kanya si Anne,’ Ito ang nasa isip niya.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.