Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 297

Naging malamig din ang hangin sa paligid nila. Tumaas ang mga mata ni Alice at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Joshua, ginawa ko ang lahat ng ito dahil sayo.” “Dahil sa akin?” Ngumisi si Joshua. “Sadya mong tinulak si Luna at sinira ang gawa ni Master Allen dahil sa akin? Dahil sa akin, humanap ka ng PR company para ipost ang video ng araw na ‘yun sa internet? Pati dahil sa akin, pumunta ka sa opisina at lumuhod sa harap ni Luna, at ipinahihiwatig mo na inakit ako ni Luna at may affair kami?” Uminom ng kape si Joshua at binaba niya ng malakas ang tasa. Nanginig ang puso ni Alice dahil sa tunog ng ceramic mug na tumama sa mesa na gawa sa marble. Suminghot si Alice at pinilit niyang ilabas ang kanyang mga luha. “Joshua, alam ko na mali ang ginawa ko, pero hindi ba ginagawa ito ng lahat ng babae sa mga tanyag na pamilya para protektahan ang integridad at pagkakaisa ng mga pamilya nila?” Parang nasakal si Joshua. Hindi ganito si Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon! Sa

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.