Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 3026

Agad na naintriga si Luna sa chansa na makita ulit sina John at Sammie, kahit na tumanggi si Gwen sa ideya nito kanina lang. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Joshua. “Pwede ko bang gawin ‘yun? Sigurado ka ba na walang makakaalam kapag nahanap ko sila? Ako—” “Walang makakaalam.” Alam ni Joshua kung ano ang pinag aalala ni Luna. Ngumiti siya habang niyakap niya si Luna at sumagot siya, “‘Wag kang mag alala. Nandito si Tara para tulungan tayo.” Napahinto si Luna sa gulat. “Si Tara? Ano ang kinalaman niya dito?” Ngumiti ulit si Joshua. “Maraming negosyo ang pamilya Moore sa Sharnwick City, at nandoon sina John at Sammie ngayon.” “Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit pinadala ng tito ko si Tara para bisitahin tayo; para gamitin bilang cover-up kapag bumisita tayo sa Sharnwick City. Sa ganun, kapag may kahit sino na maghiganti sa akin at inatake nila ang mga tao sa paligid natin, walang kahit sino ang gagalaw sa pamilya Moore.” “Dapat kang sumama sa akin sa Sharnw

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.