Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 302

Ngumiti si Theo. “Hindi ko plano na tulungan mo siya na iklaro ang pangalan ni Alice.” Humikab si Theo at umupo siya sa sofa. Tumingin siya ng kalmado kay Luna. “Kanina lang tumawag ka para pag usapan ang problema nila Natasha at Joseph. Pumunta ako sa lugar nila para tumingin. Nung una, gusto ko silang tulungan, ayon sa mga sinabi mo, para hanapan sila ng mas magandang matutuluyan para lang sa kawanggawa. Hulaan mo ang nakita ko?” Kumunot ang noo ni Luna. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya kay Theo. “Nakita ko si Joseph na papunta sa Blue Bay Villa. Hindi nagtagal nung pagpunta niya sa Blue Bay Villa, dinala siya paalis ng ambulansya. Pagkatapos, sinundan ko sila sa Central Hospital. Pagkatapos makipag usap sa ilang tao, palihim na sinabi sa akin ng nurse ang katotohanan.” Napahinto ng ilang saglit si Luna. “Kamusta na siya?” “Pinepeke niya lang,” Tumawa si Theo, “Mabuti ang kalagayan niya. Pineke niya lang ang stroke niya.” Pumikit si Luna at tumawa siya ng mapait.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.