Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 3035

Kumunot ang noo ni Gwen at gusto niya pang magtanong, pero pinigilan siya ni Luna. Kumindat siya kay Gwen at sinabi niya, “‘Wag mo siyang pansinin. Gusto niya lagi na magmukhang misteryoso.” Pagkatapos, hinila niya ng mahina si Gwen at nilagay niya ang ulo niya sa balikat nito. “Pagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga?” Tumango si Gwen at sumandal ang ulo niya sa balikat ni Luna. Pisikal na pagod na pagod siya mula sa pakikipaglaban kanina kay Ben kanina, at dahil dito ay nakatulog agad siya. Gayunpaman, sa kanyang tulog, nagawa niya pa rin na marinig ang pag uusap nila Luna at Joshua. “Hindi mo sila matawagan?” “Tama. Nawala ang koneksyon nila sa labas na mundo. Kung saan nila tinago si Andy, siguradong tago ito at mahirap mahanap.” “Ibig bang sabihin nito ay ang magagawa lang natin ay ang maghintay na tawagan nila tayo?” “Tama, pero ‘wag kang mag alala. Kapag dumating na tayo doon, aasikasuhin ni Tara na tumulong ang pamilya Moore, at sigurado ako na mahahanap natin sila agad.”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.