Kabanata 321
Hindi lang ang mga reporter ang nagulat sa pagdating ni Joshua, nagulat rin sina Luna at Theo na nasa entablado.
Nagkatinginan silang dalawa. Sinabi ni Luna ng may mahinang boses, “Pinapunta mo ba siya?”
Inosenteng tinaas ni Theo ang parehong kamay niya. “Pangako, hindi ako ang may gawa nito.”
Habang nag uusap ang dalawa, pumunta na si Joshua sa tabi ni Luna.
Kinuha niya ang microphone sa harap ni Luna at sinabi niya ng may malamig at mababang boses, “Kung inaakusahan ako ng lahat na may affair ako kay Luna, paano ako hindi pupunta?”
Kalmadong umupo si Joshua sa tabi ni Luna. Tumingin siya sa mga reporter na parang ang pagtingin ng isang emperador sa kanyang mga tauhan. “Kung may mga tanong pa kayo, pwede niyo akong tanungin. Hindi ko na papahirapan si Luna.”
Sobrang lamig nang kanyang aura at napatahimik ang lahat.
Ang mga reporter na umaatake kay Luna kanina ay tumahimik rin.
May ilan na gustong tumakas, ngunit pinigilan sila nila Lucas, Zach, at Yuri sa entrance.
Mahabang s

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.