Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 328

Dumirecho ang katawan ni Jude at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Tumanggi si Hailey na makipagkita sayo.” Tumaas ng kaunti ang mga kilay ni Joshua, ngunit wala siyang sinabi. “Ito ang unang pagkakataon na ikaw ang gusto makipagkita kay Hailey. Hindi dapat siya tatanggi, per tumanggi siya.” Ngumiti si Joshua. “Ano ang rason na binigay niya?” “Sinabi niya na dahil daw bumalik na ang asawa mo. Sinabi niya na hindi na kailangan.” “Sabihin mo sa kanya na dapat akong makipagkita sa kanya, kung hindi, tatayo ako bilang representative ng pamilya Lynch at ihihinto ko na ang relasyon namin sa mga Walter.” Kumunot ang noo ni Jude dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Joshua, hindi ba’t parang… medyo nababaliw ka na? Paano kung hindi si Hailey si Alice? Paano kung wala itong kinalaman sa kanila? Gusto mo ba…” “Gusto ko nang iklaro ang problemang ito.” Huminga ng malalim si Joshua at naglakad siya papunta sa French window. Tumingin siya sa repleksyon niya sa bintana at ngumiti siya ng mali

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.