Kabanata 453
“Ayos lang ba kayo?”
Pagkatapos tulungan ni Alice si Adrian paakyat, tumingin si Joshua kay Luna, na may pulang marka ng palad sa mukha, kumunot lalo ang noo niya.
“Gaano kalala ba?”
Ngumiti ng malamig si Luna, kinuha niya ang yelo na inabot sa kanya ni Neil, at nilagay niya ito sa namamaga niyang pisngi. “Hindi naman ako mamamatay dito.”
Pagkatapos, tumingin siya kay Joshua. “Pinasama ako nila Mr. at Mrs. Lynch pabalik ng bahay niyo dahil gusto mo akong gawing punching bag ng tatay mo.”
Dumilim ang mga mata ni Joshua. “Hindi ko alam na nandito ang tatay at lola ko…”
Sa tabi niya, umikot ang mga mata ni Granny Lynch. “Anong hindi mo alam?”
Tinikom ng matandang babae ang kanyang mga labi. “Bago ka umuwi, inutos ko sa butler na sabihan ka! Joshua, ano ba ang pakialam mo sa empleyado na tulad niya? Kahit na utusan mo siya na magpasampal para mawala ang galit ng tatay mo, ano ngayon? Hindi ba’t nararapat lang sa kanya na masampal dahil sa mga ginawa niya?”
Sa sandali na lumabas ang

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.