Kabanata 557
Naramdaman ni Joshua na para bang lumamig ang dugo niya. Mahigpit ang hawak niya sa phone niya at sinabi niya ng mabagal, “Imposible.”
“Pero…” Ang balisang boses ni Lucas ay tumunog mula sa kabilang linya ng phone. “Umakyat po siya sa baba ng railing ng Bay Bridge! Sir… dapat po ba akong tumawag ng pulis?”
Sinubukan ni Joshua na kumalma, ngunit nang marinig niya ito, natibag ang kalmadong pagpapanggap niya. Sumigaw siya sa phone niya, “Bantayan mo siya!”
Pagkatapos, binaba niya ang phone at lumabas siya ng kwarto.
“Joshua… Josh—” Sa oras na bumalik na sa sarili si Alice, nawala na si Joshua sa dulo ng hallway.
Sa sobrang galit niya ay agad niyang hinampas ang mga plato sa sahig.
Luna! Walang hiya ka!
Kung gusto niyang mamatay, hayaan na lang dapat siya!
Dapat lang na mamatay siya! Namatay na dapat siya noong anim na taon na ang lumipas!
Lumabas ng hotel lobby si Joshua at sumakay na siya sa kotse. Malupit niyang inapakan ang pedal ng gas at nagmadali siya papunta sa Bay Bridge

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.