Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 350

Habang nagsasalita siya, ngumiti pa siya at tumingin kay Luna. “Ms. Luna, ito ay isang piging na inihanda namin para kay Mr. Lynch, ayaw mo naman masira ito sa isang maliit na hindi pagkakasundo na tulad nito, hindi ba?” Sumingkit si Luna. Binitawan niya ang kamay ni Joshua at tumingin siya ng walang ekspresyon kay Dennis. “Ako po ba ang sumira nito, o ang pagpapahiya ng pamilya niyo ang sumira nito?” May lumabas na bahid ng kasamaan sa mga mata ng matandang lalaki dahil sa pag uugali ni Luna. Huminga ng malalim si Dennis, ngumiti siya ng peke at sinabi niya, “Dahil parehong mahalaga para kay Ms. Luna at Mr. Lynch ang isyu na ito, ako na ang gagawa ng solusyon!” Pagkatapos, tumingin si Dennis kay Hailey. “Hailey, nung tinapos mo ba ang guest list, sinama mo ang pangalan ni Ms. Luna?” Ngumiti at tumango si Hailey. “PInasa ko ito kay Mr. Walter nang matapos ko ito.” Agad na hinanap ang butler na si Mr. Walter at dinala ito sa hall. Pagkatapos alamin ang sitwasyon, tumawa siya ng

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.