Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 595

Nainis si Luna sa bawat salita ni Jason. Nagsalubong nang maigi ang kilay niya. Kahit paano, dapat hindi siya makikilala ni Jason dahil sa kasalukuyan niyang pagkatao at itsura. Ngunit mula noong makapasok sila ng taxi, kanina pa sinasadya, o hindi sinasadya, na binabanggit ni Jason ang insidente noong nakaraang anim na taon. Ang galing niya sa pagmamaneho, ang truck, at pati noong sinabi niya na ‘naaalala niya ang masamang alaala’. Nagkataon lang ba ang lahat ng sinabi niya, o… alam na ba niya? Nagsimulang magmaneho ang taxi driver. Umupo si Luna sa likod at nagpanggap na natutulog. Mula sa siwang ng kanyang mata, palihim niyang pinagmasdan si Jason mula sa rearview mirror. Nakatingin din si Jason sa rearview mirror at pinagmamasdan siya. Sobrang tahimik ng paligid at medyo nakakasakal na ito. “Girlfriend mo ba siya?” Siguro sobrang tahimik kaya sinimulan ng driver na makipag-usap kay Jason. “Hindi.” Tinignan ulit ni Jason si Luna bago ialis ang kanyang titig at

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.