Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 622

“Sinabi ni Theo na ang ibig sabihin daw ng bungo na disenyo ay kalungkutan.” “Ang sinabi ni Luna…” Nag isip ng ilang saglit si Jude bago niya sinabi, “Ang bungo ay nangangahulugan ng kasamaan at kalamigan, pati ibig sabihin at matagal na itong patay ngunit nandito pa rin. ‘Yun ang sinabi niya.” Sa sobrang higpit ng hawak niya sa dokumento ay namuti ang kanyang mga kamao. Ang design sketch na kinuha niya mula sa opisina ni Luna ay nasa study room niya pa rin. Akala niya ay magdedesign si Luna ng isang magandang bagay para sa kanya, ginamit ang kamay niya bilang modelo. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may ibig sabihin ito. Masama at malamig. Isang bagay na matagal nang namatay, ngunit nandito pa rin. Sa huli, ito pala ang pananaw sa kanya ni Luna. Humanap pa siya ng paraan para tulungan sila ni Theo sa bagay na ito. Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Sinara niya ng malamig ang mga dokumento niya. “Lucas, tara na.” Tumaas ang mga kilay ni Jude. “Aalis na tayo ng ganun lang?”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.