Kabanata 364
”Kahit na binanggit mo sila Neil at Nellie, pakiusap naman ay alalahanin mo na ngayon, isa ka na sa mga designer ng Lynch Group. Wala kang karapatan na magkomento tungkol sa pribado kong buhay, lalo na kung papaano ko pinapalaki ang aking mga anak.” Malamig at seryoso ang mga tingin ni Joshua. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Sumobra ako, at humihingi ako g tawad, pero hindi mo ko kailangan na turuan kung paano palakihin ang aking mga anak.”
At doon, lumingon si Joshua at umalis. Nakatayo si Luna sa may tabi ng pinto, hindi kumikibo habang pinapanood si Joshua na lumbas at naglaho sa loob ng kwarto. Pinanood niya ang pinto na sumara sa likuran ni Joshua at nagpakawala siya ng singhal.
Samantala, sa kanyang kwarto, hindi kaagad na pumunta sa bedroom si Joshua. Ang hotel room na kinuha ni Lucas para sa kanya ay isang presidential suite at may kasamang nakadikit na study room. Sa halip na pumunta siya sa kama, pumunta si Joshua sa may study room at nagsimulang magtrabaho

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.