Kabanata 375
Nabigla si Luna sa biglang pagbibintang. Huminto siya at tinitigan nang masama si Alice, “Bakit sa tingin mo may pake ako?”
Totoong hindi niya narinig ang mga babala ng mga trabahador, pati ang babala ni Joshua at Alice. Kung narinig niya ang mga ito, bakit di siya lalayo sa kapahamakan?
Bumuntong-hininga si Luna at tinignan si Alice. “Mrs. Lynch, sinasabi mo bang sigurado akong ililigtas ako ni Mr. Lynch kapag pinahamak ko ang sarili ko?”
Namutla ang mukha ni Alice sa sinabi niya.
Nagpatuloy si Luna nang nakangisi, “Tama ka Mrs. Lynch. Kahit na sinabihan ka ni Mr. Lynch na humingi ng tawad sa akin kanina, ikaw pa rin ang dinamayan niya at hindi ako. Malinaw na ipinapakita nito na mahal ka niya. Kung ganon, bakit niya ako ituturing nang kakaiba? Bakit ako makakasigurong ililigtas ako ni Mr. Lynch kapag pinahamak ko ang sarili ko?
“Kung nagkamali ako ng akala, hindi ako maliligtas ni Mr. Lynch at ako ang malalagay sa ganitong sitwasyon at matatahian. Tatanungin kita, Mrs. Lynch.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.