Kabanata 662
Lumabas si Joshua ng hotel, pumasok ng kotse, at nagdrive papunta sa bandang labas ng Sea City sa galit niya.
Pagkatapos umikot ng ilang beses, tumigil na siya sa tabi ng beach at lumabas ng kotse.
Umihip ang simoy ng dagat sa mukha niya at tila gumaan ang loob niya dahil ito.
Gabi na, kaya’t wala masyadong tao. Nakita ni Joshua ang isang food truck na malapit, may dalawa o tatlong customer na nakapaligid dito, umiinom at kumakain.
Kahit na tila masaya ang mga customer, sa sobrang tahimik ng beach maliban sa kanila ay nagsimula na ring antukin ang may ari ng food truck.
Nakita ni Joshua ang hugis ng isang payat na babae sa malayo, ang mahabang buhok nito ay hinihipan ng simoy ng dagat. Tila may kausap ito sa phone.
Iniisip ni Joshua na mukhang pamilyar ang babaeng ito. Nalala niya si Luna Gibson dahil sa babaeng ito.
Nang una niya ring makilala si Luna Gibson, gusto rin nito na kausap siya sa phone ng gabi. Laging may suot ito na jacket sa dress nito at ilulugay ang buhok, pagka

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.