Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 882

Kinagat ni Fiona nag labi niya. “Ms. Luna, ‘wag mo silang pansinin. Kalokohan ang sinasabi nila. Hindi… ako napaso.” Pagkatapos, tumalikod siya at tumakas. Habang nakikita na paalis si Fiona, kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna. “Mas nagiging malupit ka na talaga.” Pagkatapos, agad na umalis si Joshua. Nakatayo sa pwesto si Luna, at humigpit ang mga kamao niya sa gilid. Siya ba ang malupit? Dahil lang hindi siya humingi ng tawad sa mahal na Ms. Blake ni Joshua, malupit na siya. Dahil lang tinanong niya ang mahal na Ms. Blake ni Joshua kung nagpapanggap ito na may sakit, malupit na siya. Kung ganito lang pala, hayaan nalang na maging malupit siya. Hanggang ngayon, hindi niya na kailangan maging maamo at mabait sa harap ni Joshua. “Director Luna.” Humabol sina Samson, Arianna, at Zayne kay Luna. “Ayos lang po ba kayo?” Umiling si Luna at nagbuntong hininga siya. “Bumalik na tayo at magtrabaho.” Tatlong araw na lang bago ang kompetisyon. Pagkalipas ng isan

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.