Kabanata 292 Nangingialam
“So, sa huli, gusto mo rin maging si Cinderella sa drama? Pipiliin mo ang pag-ibig?” Tinignan ni Old Master Stewart si Jane na may kalahating ngiti sa mga makulubot nitong mukha.
Halatang natatawa ito sa konsepto ni Jane ng ‘pag-ibig’.
Bahagya ring natawa si Jane sa sarili. Gusto niya rin naman ng mala-prinsipe at prinsesang ending sa iisang beses na siya ay umibig.
Pagkatapos ay naging matalim ang kanyang pagtingin. Hindi kasing dali ang gustong mangyari ni Old Master Stewart.
May isang libong paraan ito upang palayasin si Jane. Hindi niya na kailangan pang umabot sa napakahangal na paraan.
Isa pa, kung gusto niya rin itong palayasin, bakit ngayon niya lang gusto itong gawin?
Bakit hindi pa noon o kaya sa mga susunod pa? Bakit ngayon?
Lumapag ang tingin nito kay Uno na nakatayo sa likod ni Old Master Stewart. Mabilis na tumatakbo ang kanyang isipan. Simula noong nagpakita si Sean sa Erhai, hindi niya pa nakikita si Uno hanggang ngayon.
Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi nil

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.