Kabanata 76
Itinabi ni Ron ang baril niya at naglabas ng ilang mga litrato mula sa bulsa niya, inihagis ang mga ito sa lamesa.
Makikita sa litrato ang mga eksena sa Mine No. 3, ang ilan pa dito ay nakazoom in sa mga bangkay sa hukay.
“Sa tingin ko malinaw kung gaano kahalaga ang mga litratong ito. Kung kakalat sila, katapusan na ng minahan sa Redwood Mountains,” sambit ni Ron.
Naging malagim ang ekspresyon ni Adrian ng makinig siya kay Ron at makita ang mga litrato sa lamesa. Sumarado ng mahigpit ang mga kamay niya, “Ang sama mo!”
Higit sa Redwood Mountains ang maaapektuhan ng mga litrato kapag kumalat ang mga ito. Halos bawat business sa ilalim ng kontrol ni Adrian ay madudusa.
Kahit ang diamond at gemstones na namina noong huli ay siguradong madadamay.
Bilang businessman, alam ni Adrian ang impluwensiya ng public opinion. Alam niya na ang kakaharapin niya ay puro kritisismo at pagkasira.
Habang iniisip pa lang ito—kapag nalaman ng mga tao na ang mga alahas ay nakuha sa hindi magandang lug

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.