Kabanata 137
Handa na ang medisina.
Iinumin na dapat ito ni Mable ng bumaba si Rahman.
Natulog siya noong hapon at kakagising lang.
Kahit na narinig niya kay Hugh na inihatid ni Solomon ang Ice Jade flower, hini pa din siya natutuwa.
“Mabes, ako muna ang hihigop sa gamot. Puwede mo ito inumin kapag walang problema!”
Matapos iyon sabihin, kumuha siya ng kalahating kutsara ng gamot at ininom bago siya napigilan ni Mable.
“Rahman, tanga ka ? Bakit ka iinom ng gamot kung wala kang sakit?!”
Kinuha ni Mable ang kutsara at tinignan siya.
Sumimangot si Rahman at tinignan ang mangkok ng gamot habang nandidiri. “Sa tingin mo ba gusto yan inumin? Natatakot lang ako na baka malason ka ulit at sumuka nanaman ng dugo ng walang tigil.”
Tinignan siya ni Solomon. “Hindi sa pagkakataong ito. Tiningan na ni Mable ang Ice Jade Flower at nakumpirmang tunay ito.”
Aroganteng naupo si Rahman sa sofa. “Siguraduhin mo, kung hindi, isasama ko ang mga tao ko para pasabugin ang Fowler Enterprise!”
Umirap si Solomon

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.