Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 126

Ngumiti si Senior Zimmer, kumutitap ang kanyang mga mata. "Mandy, alam kong nagkamali kami at galit ka sa amin. Humihingi ako ng paumanhin para sa hindi namin pagtitiwala sa iyo noon. Sean, Zack, lumapit kayo at humingi rin ng tawad kay Mandy!” Awkward na nagkatiningan sa isa’t isa sina Sean at Zack Zimmer. Sanay na silang yumuyuko ang mga tao sa kanila. Talagang mahirap para sa kanila ang parehong humingi ng tawad kay Mandy, ang outcast ng pamilya. Ang kaso ay, walang silang pagpipilian kundi gawin iyon. Huminga nang malalim si Zack habang humarap siya kay Handy, saka siya bahagyang yumuko at humingi ng tawad. “Mandy, sa pagkakataong ito ay kasalanan ko ang gulong ito. Patawarin mo sana ako." Isang masamang ngiti ang lumitaw sa mukha niya habang nakayuko siya, ngunit naitago niya ito para hindi makita ng iba. Sa kabilang banda, nakangisi na parang isang Cheshire cat si Sean Zimmer at sinabi, “Mandy, ngayong humingi na ng tawad si Zack, bilang tito mo ay humihingi rin ako ng tawad.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.