Kabanata 140
Hindi pinansin ni Harvey York ang mga masakit na sinabi ni Cecilia Zachary at tinawanan na lamang ito.
“Sorry at binigo ko kayong lahat, pero actually may invitation ako.”
“Hahaha! Lalo kang nagiging interesado sa bawat minutong lumilipas.” Dinuro ni Jake Surrey si Harvey York. “ Marami na akong nakilalang pakitang tao, pero bihira ang mga ganito kalala ang ginagawa. Okay, kung kaya mong ipakita ang invitation ngayon, aalis ako agad dito at hindi na magsasalita pa. Pero kung matalo ka, umalis ka na. Ano sa tingin mo?”
Nakakurba ang mga labi ni Jake Surrey sa isang maliit na ngisi.
“Makinig ka, bata. Kung ako sa iyo, tatalikod na ako at lalayas na agad para hindi na mapahiya pa lalo ang asawa mo.”
Ngumisi si Wyatt Johnson. “Mr. Surrey, nakakalimutan mo. May natitira pa rang respeto sa sarili niya ang live-in son-in-law na ito? Matagal nang nawala lahat ng iyon!”
Tumawa si Harvey York nang may nerbiyos, at sinabi, “Sige, magpustahan tayo. Tingnan natin kung sino ang unang lalayas.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.