Kabanata 150
Bahagyang nainis si Mandy Zimmer. Noong una, nagawang maglabas ng malaking halaga ni Jake para sa kanya, at natuwa siya dahil dito. Ngunit masama ang loob niya ngayon at naiinis siya dahil laging iniinsulto ni Jake Surrey si Harvey York.
Kahit na mahirap lang si Harvey, at isa lang siyang live-in son-in-law, siya lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay sa loob ng tatlong taon. Buong puso niyang hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay niya. Kahit na hindi siya matanggap ni Mandy noong umpisa, nagsisimula na niyang mapansin ang kabutihan ni Harvey.
Isa pa, mapapahiya siya kapag iniinsulto ng ganun ang asawa niya sa harap ng maraming tao kahit na gaano pa kasama ang asawa niya.
Sa sandaling iyon, sumimangot si mandy at sinabing, "Mr. Surrey, bawiin mo ang sinabi mo at humingi ka ng tawad kay Harvey."
"Gusto mo akong humingi ng tawad sa kanya?" Humalakhak si Jake. "Yung totoo, ginagawa ko lang 'to para sa kapakanan mo. Mandy, walang pangarap ang lalaking 'to, pero napakayabang niya.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.