Kabanata 1990
“Hindi pa namin alam, pero ang utos ay nagmula sa Mordu. Hinala namin na si Sakura Miyamoto ang nag-utos nito.
“O baka…”
“Si Hector Thompson…”
Naningkit nang bahagya si Harvey York nang marinig ang pangalang iyon.
Kahit na hindi direktang hinamon ni Harvey si Hector, sapat na ito para malaman niya kung gaano kalakas ang isang kalaban.
Mabuti na lang at nadispatya na si Kuroda Taro, kaya hindi nagmamadaling pumalag si Harvey.
Mukhang naging interesado si Harvey. Gusto niyang makita kung anong klaseng surpresa ang mayroon ang utos na ito.
Habang sinusubukan ni Harvey na lutasin ang problemang ito, walang-tigil sa pag-uusap ang mga tao sa tabi.
“Ang garbo ng number one villa na ito! Siguradong panghabang-buhay na ang pera ng mga taong nakatira dito!”
“Kaya pala ang lugar na ito ang number one villa. Ito ay itinayo sa isang napakagandang pwesto. Matatanaw siguro sa balkonahe nito ang buong Mordu Beach.”
“Tingin ko hindi ito makukuha ng kahit na sino kung hindi nila ito minana.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.