Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Nagkakamali kayo ng InapiNagkakamali kayo ng Inapi
에:: A Potato-Loving Wolf

Kabanata 2644

Para bang medyo iba si Edwin kumpara noon. Ang kanyang malokong mayamang playboy na pag-uugali ay napalitan ng striktong kaseryosohan. Hindi pa siya naging ganito kaseryosong tignan buong buhay niya. Nakahinga nang maluwag si Harvey. Mukhang sulit ang leksyon sa gabing iyon. "Buong gabi kang tinutulak kung saan-saan. Bakit di ka magpahinga?" suhestiyon niya. Pagkatapos ay nagsalin siya ng tsaa sa tasa niya bago uminom. Nanginig si Edwin nang nakita niya si Harvey. "Nakahanap ako ng impormasyon na gusto kong ipaal sa inyo, Sir York," panimula niya nang medyo nag-aalangan. "Pero dahil nagpapahinga ka, hindi ko gustong guluhin ka." "Salamat sa pagsisikap mo," sabi ni Harvey. "Wala lang yun." Umiling si Edwin at hindi tinanggap ang papuri. "Hindi rin naman ako makatulog." Tumawa si Harvey. "Di ka makatulog? Galit ka pa rin ba? O gusto mong maghiganti?" "Wala sa mga iyon." Umiling ulit si Edwin. "Noong nasa Sword Camp pa ako, sinabi ko na kailangan kong harapi

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.