Kabanata 2831
Umiiyak si Secretary Akina habang nakikipag-usap siya sa phone, habang mukhang kawawa na para bang nagdusa siya. Nakakaawa itong tingnan.
Ngunit nang ibaba niya ang linya, bumalik ang seryosong itsura niya.
"Hintahin mo lang! Ang kapal naman ng mukha mong saktan ako?!"
"Pagdating ni Master York dito, ikaw ang uunahjn niya!"
"Binabalaan kita: wala sa inyong makakaalis nang buhay ngayon!"
Nang may matinding suporta kay Secretary Akina, pakiramdam niya sobrang lakas niya.
Bago pa makapagsalita si Harvey, pinigilan siya kaagad ni Olivia nang mukhang takot na takot.
"Bahala na! Hindi natin pwedeng palalain ang mga bagay!"
"Masisisante tayo kapag nangyari 'yun!"
Hindi kilala ni Olivia kung sinong tinawagan nila Taichi, ngunit ang taonng tinatawag na Master York ay walang iba kundi ay mula sa mga York ng Hong Kong.
Sigurado siyang kapag dumating ang isang tao mula sa pamilya nila, hindi lamang siya mapapahamak, ngunit madadamay din si Harvey at Queenie sa sitwasyong ito!

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.