Kabanata 3461
Kasinlamig ng yelo ang titig ni Mrs. Lee.
"Tingin mo ba pwede kang umasal nang ganito dahil lang malakas ang sumusuporta sa'yo?
"Tingin mo ba talaga hindi kami makakahanap ng taong makakapagpatumba sa'yo?
"Sasabihin ko sa'yo! Ang Longmen ay puno ng mga eksperto!
"Nakalamang ka ngayon, pero talaga bang balak mong banggain ang asawa ko at ako?
"Wala kang karapatan!
"Kilala mo ba ang mga taong nakatayo sa harapan mo ngayon?!
Tumawa si Mrs. Lee.
"Ipapakilala ko sila sa'yo!
"Ito ay ang vice branch leader ng Longmen ng Golden Sands!
"Ito naman ang second young master ng Third Outer Hall ng Longmen!
"At ito naman ang disciple ng Law Enforcement ng Longmen! Bukod-tangi ang kanyang katayuan!
Ilang dosenang tao ang tumayo nang taas-noo nang tawagin ni Mrs. Lee ang pangalan nila. Nakatitig sila nang masama at mukhang mabangis kay Harvey sa sandaling iyon.
Nanumbalik ang kanyang tapang dahil sa mga taong ito.
Naningkit ang mata niya bago lumapit kay Harvey nang nakangiti.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.